Skip to main content
A r a l i n g P a n l i p u n a n 4 – 4 t h Q u a r t e r | To p i c 4
MGA KARAPATAN NG MGA
PILIPINO
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Ang Karapatan ay ang anumang dapat matamasa ng
isang tao. Kailangnang pagkalooban ng mga karapatan
ang bawat tao upang mapangalagaan at maipagtanggol
ang mga ito sa mga maaaring gawing pang-aabuso at
pagmamalupit ng pamahalaan.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Ang pagiging demokratikong bansa ng Pilipinas ay
isang dahilan kung bakit maraming natatamasang
karapatan ang mga Pilipino.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Maliwanang na nakasaad sa Artikulo III ng
Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 ang Katipunan ng mga
Karapatan (Bill of Rights) ng mga mamamayang Pilipino.
Hindi maaaring suwayin, labagin, at pakialaman ng kahit
sinumang opisyal ng pamahalaan ang mga ito.
Mga Karapatana ng mga Pilipino
Ang ilan sa mga karapatang tinatamasa ng mga Pilipino
ay ang mga sumusunod:
1. Mga Karapatang Likas.
2. Mga Karapatang Konstitusyonal.
3. Mga Karapatan Ayon sa Batas.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Mga Karapatang Likas:
Kaloob ng Diyos ang mga karapatang ito.
Halimbawa:
• Karapatang magmahal at mahalin.
• Karapatang mabuhay.
• Karapatang isilang.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Mga Karapatang Konstitusyonal:
Ito ay mga karapatang nakapaloob sa ating Konstitusyon. Sa
mga ito nagmumula ang kapangyarihan ng mga mamamayan
na makilahok sa pangangasiwa ng pamahalaan.
Halimbawa:
• Karapatang pampulitika
• Karapatang sibil.
• Karapatang pangkabuhayan.
• Karapatan ng nasasakdal.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Mga Karapatan ayon sa Batas:
Ang mga karaptang ito ay nalilikha sa pamamagitan ng
mga batas na naipapapsa sa Senado at sa Kapulungnan
ng mga Kinatawan.
Halimbawa:
• Batas sa pagsahod.
• Batas sa pagpapaupa.
• Batas sa mga benepisyo.
Klasipikasyon ng mga Karapatan
Ayon sa Konstitusyon
Klasipikasyon ng mga Karapatan Ayon sa
Konstitusyon
A. Mga Karapatang Pampulitika.
B. Mga Karapatang Sibil.
C. Mga Karapatang Pangkabuhayan.
D. Mga Karapatan ng Nasasakdal.
E. Karapatan Laban sa Hindi Makatwirang
Paghahalughog.
F. Karapatan Laban sa Hindi Makatwirang Pagdakip.
G. Karapatan sa Proseso ng Wasyong Paglilitis.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Nakasaad sa Artikulo II, Seksiyon 10 at 11 ng
Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 na dapat maging
makatarungan ang pamahalaan sa mga mamamayang
pinaglilingkuran nito. Sinasabi rin dito na dapat
pangalagaan ng pamahalaan ang lahat ng karapatan ng
sambayanan.
Mga Karapatan ng mga Pilipino
Sa kasalukuyan, bahagi rin ng programa ng
Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng
mga karapatan ng mga mamamayan sa mga mag-aaral.
Sa ganitong paraan, lubos na naipapaunawa sa mga
kabataan ang tungkol sa mga karapatan na dapat nilang
matamasa.
SALAMAT SA PAGSUBAYBAY