Skip to main content
KARAPATAN NG
MAMAMAYANG
PILIPINO
Aralin 16- A.P
LAYUNIN
 Natatalakay ang konsepto ng karapatan at
karapatan ng mamamayang Pilipino.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Karapatan
para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino.
Konsepto ng
Karapatang
Pantao
 Karapatang pantao ay
tumutukoy sa mga karapatan
na taglay ng tao na kaniyang
kailangan upang mabuhay
nang may dignidad.
Ang karapatan ay anomang
bagay o kalayaan na dapat
matamasa ng tao.
Katangian o Kaligiran ng
Karapatang Pantao
Katangian o Kaligiran ng Karapatang Pantao
1. Panlahat (Universal)
 Ang karapatang pantao ay
para sa lahat ng tao saan
mang bahagi ng mundo.
Katangian o Kaligiran ng Karapatang Pantao
2. Hindi Maipagkakait ( Inalienable)
 Ang isang tao ay may mga
Karapatan dahil likas ito sa
kaniya bilang isang tao. Hindi
ito maaaring alisin o
tanggalin nang walang
kadahilanan.
Katangian o Kaligiran ng Karapatang Pantao
3. Di-mahahati, Nakaasa sa isa’t isa, at
Magkakaugnay (Indivisible, Inter-related, and
Interdependent)
 Ang mga karapatang pantao ay di-mahahati,
nakaasa sa isa’t isa at magkakaugnay dahil
hindi maaaring igalang ang ilang Karapatan at
isantabi ang iba.
Katangian o Kaligiran ng Karapatang Pantao
4. Pantay at Walang Kinikilingan (Equal and
Non-Discriminatory)
 Ang karapatang pantao ay poteksiyon ng isang
indibidwal. Ang pagtamasa ng Karapatan ay
hindi ibinabatay sa nasyonalidad, kasarian,
relihiyon, paniniwalang political at katayuan sa
Lipunan.
Mga Karapatang
Tinatamasa ng
mga Pilipino
Pahina 407
KARAPATANG PANTAO
Karapatang
Likas
Karapatang
Konstitusyonal
Karapatang
Itinakda ng
Batas
Karapatang
Panlipunan
Karapatang Likas
 Tumutukoy sa mga karapatang
tinatamasa ng bawat isa dahil sa
pagiging tao.
 Ang mga karapatang ito ay hindi
maaaring ipagkait kanino man.
 Ang karapatang ito ay nagmula sa
Diyos at hindi iginawad ng
pamahalaan.
Karapatang Itinakda ng Batas
 Mga karapatang iginawad at
pinoprotektahan ng batas na gawa at
pinagtibay ng Kongreso.
 May awtoridad ang Kongreso, kung
nanaisin nito, na baguhin o
ipagwalang bisa ang mga batas.
 Karapatan ng mga senior citizen, at
karapatan ng mga mamimili.
Karapatang Konstitusyonal
 Karapatang nakapaloob sa
konstitusyon o saligang batas ng
bansa.
 Nakapaloob sa Artikulo ng 1987
Saligang Batas ng Pilipinas o mas
kilala sa tawag na Katipunan ng
mga Karapatan ang karapatang
konstitusyonal ng mga Pilipino.
Karapatang Konstitusyonal
 Itinuturing na pinakamataas na
batas ang Saligang Batas o
Konstitusyon kung kaya’t ang
mga karapatang ito ay hindi
maaaring basta na lamang
baguhin o alisin.
Buksan ang Pahina 408 para sa Katipunan ng mga Karapatan.
 Warrant of Arrest- dokumentong inihanda ng isang hukom na
nagpapahintulot na dakipin at ikulong ang isang tao.
 Search of Warrant- naman ay dokumentong nagbibigay ng
pahintulot at nag-uutos na halughugin ang personal na ari-arian
ng isang tao at dalhin ito sa hukuman.
 Due Process of Law- hindi dapat papanagutin ang isang
inaakusahang tao nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas.
Karapatang Konstitusyonal
 Karaniwang iniuugnay ang
karapatang panlipunan sa
karapatang pang-ekonomiko, at
pang-kultura.
 Kilala bilang ESC Rights o
Economic, Socio, and Cultural
Rights.
Karapatang Panlipunan
Nakapaloob dito ang mga sumusunod:
 Karapatang magtrabaho
 Karapatan sa marangal at katanggap-
tanggap sa pamumuhay
 Karapatan sa pagkakaroon ng maayos na
kalusugan maging ito man ay pisikal o
mental.
Karapatang Panlipunan
Nakapaloob dito ang mga sumusunod:
 Karapatan sa kaligtasang panlipunan
 Karapatan sa isang maayos, malinis, at ligtas
na kapaligiran
 Karapatan sa edukasyon
 Karapatang kultural
Karapatang Panlipunan
KARAPATAN NG MGA BATA
 Ayon sa kahulugan ng United Nations,
ang mga bata ay sinomang may edad
na walang pang labingwalo (18) taon.
 Ipinahayag ng United Nations sa
pamamagitan ng Convenction on the
Rights of the Child (CRC) ang mga
karapatang dapat tinatamasa ng mga
Kabataan.
Karapatang ng mga bata
1. Karapatang Mabuhay at Mapangalagaan.
2. Karapatang Mabigyan ng Edukasyon.
3. Karapatang Makapaglaro, Magpahinga, at Maglibang.
4. Karapatang Magpahayag, Mapakinggan, at Malayang
Makisalamuha.
5. Karapatang Magkaroon ng Access sa Impormasyon at
Paggamit ng Mass Media.
6. Karapatan Laban sa Diskriminasyon.
Ang Karapatan ng mga Bata ay ang
sumusunod:
 Isinabatas ang R.A 10627 noong
2013 upang bigyang proteksyon ang
Kabataan mula sa iba’t ibang uri ng
pang-aapi o bullying sa paraang
tulad ng pagsulat, pasalita, paggamit
ng Internet, pisikal, at anomang
kauri nito sa loob ng paaralan at sa
mga kalapit nitong lugar.
R.A. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013
Ilan sa halimbawa ng itinuturing na bullying ayon sa
batas na ito ay ang sumusunod:
 Anomang hindi pinahihintulutang pisikal na pananakit sa
pagitan ng biktima at bully tulad ng panununtok,
panunulak, paninipa, pananampal, pangingiliti,
pambabatok, panloloko, panunukso, pang-aaway, at
paggamit ng anomang bagay upang makapanakit.
R.A. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013
 Anomang kilos na nagdudulot ng pinsalang sikolohikal at
emosyonal sa biktima;
 Anomang mapanakit at mapanirang pananalita o
pagbibintang na nagdudulot ng pinsalang emosyonal sa
biktima o kaya ay pambabansag (name calling),
paghuhusga sa pisikal na kaanyuan, damit, at
pangangatawan at; Pagsasagawa ng cyber-bullying o
anomang bullying gamit ang teknolohiya.
R.A. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013
Kahalagahan ng mga Karapatan
 Nagsisilbing proteksyon ang karapatang pantao upang
maging ligtas at maayos ang ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
 Ang Karapatan din ang nagsisislbing pananggalang ng mga
mamamayan mula sa mga posibleng pang-aabuso ng
pamahalaan.
 Nagiging malaya ang tao na ipahayag ang kaniyang opinion
at paniniwalang political nang hindi naipapakulong.
Bakit nga ba mahalaga ang Karapatan?
 Nakatutulong din ang Karapatan upang maramdaman ng
mga mamamayan na sila ay kinikilala at pinahahalagahan
ng pamahalaan.
 Nakadaragdag ng din kumpiyansa at positibong pananaw sa
isang tao kung batid niya na napapahalagahan ang kaniyang
mga Karapatan.
 Ang mamamayan ay napakahalagang bahagi ng isang bansa
kaya marapat lamang na protektahan at igalang ang
kaniyang mga Karapatan.
Bakit nga ba mahalaga ang Karapatan?
Kaugnayan ng
Pagkamamamayan at
Karapatan
Tunghayan ang Pahina 418
Karapatan ng taong inaakusahan sa isang
kasalanan
 Hindi dapat ipagkait ang malayang pagdulog sa hukuman dahil sa kahirapan.
 May karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogado na kaniyang pinili upang
siya ay ipagtanggol sa hukuman.
 Kinakailangang pagkalooban siya ng abogado kung wala siyang kakayahang kumuha ng
sariling abogado.
 Ipinagbabawal ang pagpapahirap, puwersa, dahas, pananakot o pagbabanta sa isang
akusado.
Karapatan ng taong inaakusahan sa isang
kasalanan
 Hindi maaaring ilihim ang kaniyang pagkakabilanggo o mawalan
komunikasyon sa iba.
 Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumetisgo laban sa kaniyang sarili.
 Mananatiling inosente ang isang nasasakdal hanggang sa mapatunayan
siyang nagkasala ng hukuman.
 Hindi maaaring makulong ang sinoman dahil lamang sa kaniyang
paniniwalang politikal, pagkakautang, o hindi pagbabayad ng sedula.