Skip to main content
NAGAGAMIT NANG WASTO
ANG PANDIWA SA
PAKIKIPAG-USAP SA IBA’T
IBANG SITWASYON.
SALUNGGUHITAN ANG MGA PANDIWANG GINAMIT SA MGA
PANGUNGUSAP AT TUKUYIN KUNG NASA ANONG ASPEKTO ANG MGA ITO.
 ______ 1. Ang malikot na bata ay napaso sa
kalan.
 ______ 2. Manghuhuli ng mga gumagalang aso
ang lalaki.
 ______ 3. Sina Mabelle at Paolo ay sumasayaw ng
Tinikling.
 ______ 4. Ang magkakapatid ay nagdadasal gabi-
gabi.
 ______ 5. Ang mag-aaral ay magsisimba
mamayang hapon.
SURIIN NATIN :
1. Ang pamahalaan ay
nagpadala ng pagkain sa mga
baryong sinalanta ng bagyo.
2. Sumulat siya ng liham sa
kanyang ina.
3. Nanliligaw ang binata.
4. Nag-usap lang sila.
URI NG PANDIWA
1. Palipat – pandiwang may
simunong gumaganap at laging
nangangailanangan ng layon.
Ang tuwirang layon ay ang sagot sa
tanong na ‘ano’ sa pandiwa.
2. Katawanin – pandiwang may
simunong gumaganap, ngunit walang
tuwirang layong tumatanggap.
TINIG NG PANDIWA
 1. Ang magkapatid ay dumalo sa iisang
piging.
 2. Humingi sila ng tulong sa pamahalaan.
 3. Ang mga bahay ampunan ay ipinagawa
ng mga pribadong sektor.
 4. Ang mga nalikom na salapi ay
ipinamahagi sa mga naging biktima ng
kalamidad.
1. Tahasan o Tukuyan – ang
pandiwa o simuno ang gumaganap
sa kilos.
2. Balintiyak – ang pandiwa kung
ang paksa o simuno ay hindi
gumaganap sa gawain o sinasabi
ng pandiwa.
GAWAIN: TUKUYIN KUNG TAHASAN O BALINTIYAK
ANG TINIG NG PANDIWA SA BAWAT PANGUNGUSAP.
1. Ipinakita ni Charles ang
kagandahang loob sa mga bisita.
2. Naghanda siya ng pagkain upang
sila ay makapagmeryenda.
3. Tinawag niya ang kanyang mga
magulang.
1. Nagulat ang kanyang
magulang sa kanilang bisita.
2. Nagkwentuhan sila ng
masasayang karanasan sa
buhay.
SALUNGGUHITAN ANG PANDIWA AT ISULAT SA
PATLANG KUNG ITO AY PALIPAT O KATAWANIN.
___1. Nagbakasyon sa Davao si
Aurora.
___2. Nagdala siya ng mga
pasalubong para sa pamilya.
___3. Nagpakuha siya ng
bagahe kay Charles.
___4. Nagkwentuhan silang
lahat.
___5. Kumain sila ng masarap
na tenolang manok.
Bumuo ng
pangungusap gamit
ang iba’t ibang uri at
tinig ng pandiwa.
LAGYAN NG PANDIWANG PALIPAT ANG BAWAT PARIRALA UPANG
MAKABUO NG ISANG MAKABULUHANG PANGUNGUSAP.
(Halimbawa:
1. ng pasalubong – bumili
Bumili siya ng pasalubong para sa bunsong anak.)
1. Sa probinsya –
2. Butihing asawa –
3. Ng tiket –
4. Kay Aurora –
5. Sa eroplano –
GAWING PANDIWANG KATAWANIN ANG MGA NASA LOOB
NG PANAKLONG
1. Mabilis(lipad) ___ ang eroplano.
2. Maaga silang(alis)___.
3. (lakbay)___ ang pamilya.
4. Sila ngayon ay(sama)___.
5. Madalas silang(biyahe)____ kapag
bakasyon.
filino six quater 2 week 9 day 3 .  pptx